Pinagtibay na ng Office of the Ombudsman ang kanilang desisyon na nagbabawal na
kila dating Philippine Port Authority (PPA) General manager Atty. Juan Sta. Ana at
Assistant general mananger Raul Santos dahil sa graft and corruption.
Sa siyam na pahinang desisyon ng Ombudsman na sinampa ni dating Agham Partylist Angelo Palmones laban sa dalawang opisyal ng PPA, disqualified na ang dalawa na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno. Inaalis na rin sa kanila ang kanilang benepisyo kabilang na ang retirement benefits at pinagmumulta ng halaga ng isang taong suweldo nito.
Nag-ugat ang kaso matapos na payagan nila ang DMCI na ilegal na mag-operate at magtayo ng pantalan sa Barangay Bolitoc sa Sta. Cruz, Zambales.
Natuklasan din na ang permit nila mula sa DENR ay mag-renovate ng pantalan pero lumalabas na walang port sa lugar.
Bagkus, kinailangan nilang butasin ang bundok para magtayo ng bagong pantalan na taliwas sa kanilang permit.