Palasyo kay Topacio, isiwalat ang umano’y sangkot na PCOO officials sa P60M-DOT ad

Hinamon ng Palasyo ng Malakanyang si Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na pangalanan ang dalawang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nakinabang umano sa P60 million-advertisement contract na pinasok ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag media outfit na pag-aari ng brodkaster na si Ben Tulfo.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay para maimbestigahan ang dalawang PCOO official at hindi mabansagan ang kabuuang tanggapan na kurakot.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na bahala na si Teo kung susundin ang report ng Commission on Audit (COA) na disallowed ang kontrata na ang ibig-sabihin ay isauli ang pera ng bayan.

Kapag hindi aniya naisuali ang pera, maari na siyang makasuhan ng graft at maaring magamit na ang COA report sa pag-usad ng kaso.

Kahit na wala na aniya sa gobyerno si Teo, maari pa rin siyang mahabol o mapapanagot sa batas.

Read more...