Ayon kay Fariñas, labag sa Rules ng kamara kung mananatili si Suarez dahil bumoto ito pabor sa bagong house speaker.
Paliwag ni Fariñas dapat awtomatiko nang tanggal si Suarez sa minorya dahil sa pagboto kay Speaker GMA.
Dahil dito, dapat ay si ABS Rep. Eugene De Vera na ang acting minority leader matapos itong hindi bumoto kay GMA.
Maging si Marikina Rep. Miro Quimbo ay hindi rin anya maari maging minority leader dahil hindi naman ito umalis at hindi rin tinanggal bilang House Deputy Speaker.
Mali rin anya ang posisyon ni Quimbo na hindi maaring magmula sa PDP Laban ang minority leader dahil wala ito sa rules ng Kamara.
Sa kanyang manipestasyon sa Kamara sabi ni Fariñas dapat siya ang maging minority leader dahil napunta na siya sa minorya matapos mapatalsik si dating Speaker Alvarez.