Traffic advisory: Manila Water may road restoration project sa T. Sora, QC

Sisimulan na ng Manila Water ang road restoration project nito sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang proyekto alas 10:00 ng gabi mamaya at tatagal ito hanggang sa August 2, alas 5:00 ng umaga.

Partikular na isasagawa ang permanent road restoration sa Tandang Sora Avenue kanto ng Visayas Avenue.

Ito ay makaraang malatagan na ng bagong linya ng tubig ang lugar.

Dahil dito, inabisuhan na ng Manila Water ang mga motorista na makararanas sila ng bahagyang pagsisikip sa daloy ng traffic sa nasabing lugar sa nasabing mga petsa.

Isasara kasi ang bahagi ng kasaldang apektado ng proyekto.

Read more...