Ipauubaya na muna ng Palasyo ng Malakanyang sa Board of Pardon and Parole ng Department of Justice (DOJ) ang pagre-review sa kaso ni Paco Larrañaga, ang suspek sa Marijoy at Jacqueline Chiong murder case sa Cebu.
Pahayag ito ng Palasyo matapos humirit ang kampo ni Larrañaga ng clemency sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hahayaan na muna ng Malakanyang ang DOJ na pag-aralan ang kaso ni Larrañaga.
“No information po. I read that news, and I said, I have no information to confirm nor deny. But the power to grant clemency, of course, is an Executive power… that will have to go through the Board of Pardon and Parole ‘no, within the
DOJ” ayon kay Roque.
Hindi naman makumpirma ni Roque kung nakaabot na sa tanggapan ni Pangulong Duterte ang hirit ni Larrañaga.