Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sabtang sa lalawigan ng Batanes.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 35 kilometers north west ng Sabtang alas 5:37 ng umaga ng Martes (July 31).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 18 kilometers.

Naitala naman naman ang Intensity I sa Basco, Batanes bunsod ng nasabing lindol.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan naman ng Hinunangan sa Southern Leyte.

Naganap ang lindol alas 6:20 ng umaga ng Martes din sa 2 kilometers south east ng Hinunangan.

Isang kilometro lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Read more...