Pag-atake sa Tajikistan na ikinasawi ng 4 na siklista inako ng ISIS

Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa naganap nap ag-atake sa Tajikistan kung saan apat na cyclists ang nasawi.

Sa statement ng grupo na inilabas nila sa Amaq News Agency, sinabing sila ang nasa likod na ginawang pag-araro ng kotse sa mga nagbibisikleta.

Pawang sundalo umano nila ang nagsagawa ng pag-atake.

Pawang dayuhan ang mga nasawing siklista na mula sa Estados Unidos, Switzerland at The Netherlands.

Habang tatlong iba pa ang nasugatan na pawang mula sa Switzerland, The Netherlands at France.

Read more...