Tulak ng droga, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Maynila

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga otoridad sa Tondo, Maynila.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Tonet.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Station 1, naganap ang transaksyon sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Ngunit natunugan nito na pulis pala ang katransaksyon, dahilan upang paputukan ang mga otoridad bago tumakas.

Pumasok si alyas Tonet sa loob ng katabing gusali at umakyat sa ikalawang palapag nito kung saan siya napuruhan ng mga operatiba ng MPD Station 1 na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Ayon sa barangay captain sa lugar, notorious na tulak ng droga ang suspek at mangilang beses nang nakulong.

Read more...