Ito ang sinabi ni Ilocos Norte 1st District Representative Rodolfo Fariñas sa pagsisimula ng debate sa Kongreso tungkol sa pagpili ng magiging pinuno ng minorya.
Paliwanag ni Fariñas na siyang dating majority leader, si De Vera ay ang nag-iisang miyembro ng nakaraang minority group na nag-abstain o hindi bumoto sa pagpili ng bagong House Speaker.
Kaya naman lumapit na siya at iba pang mga kaalyado ni Representative Pantaleon Alvarez kay De Vera upang maging kanyang mga miyembro sa minorya.
Ani Fariñas, tinanggap sila ni De Vera.
Pagdidiin pa ng mambabatas, dahil sa pagboto ni Quezon 3rd Representative Danilo Suarez pabor kay bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay otomatiko siyang matatanggal bilang lider ng minorya, katulad ng nakasaad sa Rule II Section 8 ng House rules.
Dagdag pa ni Fariñas, kung mananatiling lider ng minority group si Suarez ay tila isa itong katatawanan.
Sa ngayon ay mayroong tatlong grupo na nagnanais na matawag na minorya — ito ang pinagsanib na mga miyembro ng Liberal Party o ang Magnificent 7 at Makabayan bloc, ang grupo ni Suarez, at grupo ni Fariñas.