Alas-6 ngayong umaga magtataas ng P1.15 ang bawat litro ng gasolina, 95 sentimo para sa kada litro ng diesel, at 85 sentimo para naman sa bawat litro ng kerosene.
Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng pagpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanyang Caltex, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, Total, at Unioil.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang taas-presyo ay bunsod ng pagtaas din ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES