Ayon sa Bulacan Provincial Police, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang Jose Santos tungkol sa dalawang kawatan na tumangay umano sa kanyang motorsiklo.
Kwento ni Santos, tinutukan siya ng baril ng dalawang lalaki at pwesahang kinuha ang kanyang motor.
Sa pag-iimbestiga ng mga otoridad ay nakatanggap sila ng impormasyon na nasa Barangay Partida ang mga suspek upang ibenta ang motorsiklo.
Kaya naman agad na nagtungo sa lugar ang mga ito para sa isang followup operation.
Ngunit nang makita ng mga salarin ang mga otoridad ay agad silang nagpaputok, dahilan upang mauwi sa engwentro ang operasyon.
Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga carnapper na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.
Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang motor ng biktima at dalawang kalibre 38 revolver.