PNP, committed sa food security ayon kay Albayalde

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na ikinukunsidera ng pulisya ang food security na kasing importante ito ng kampanya sa ilegal sa droga ng administrasyon.

Ayon kay Albayalde, kanilang susuportahan ang mga concerned government agencies sa paglaban sa mga traders na nagmamanipula sa galaw ng merkado para sa kanilang mga sariling interes tulad ng pagkakaroon ng mataas na mga presyo sa mga pangunahing bilihin.

Aniya ang isyu ay higit pa pagkakaroon ng fair trade dahil ito ay may kaugnayan sa food security na dapat protektahan ng estado.

Binigyang ditrektiba ni Albayalde ang concerned directorial staff, partikular ang Directorate for Operations na review-hin ang lahat ng kasalukuyang mga operational plans, directives, issuances kabilang na ang mga existing memoranda of agreement sa Department of Agriculture at National Food Authority para matukoy ang dapat pang palakasin o pag-ibayuhin.

Ang pahayag ni Albayalde ay kaugnay ng ibinigay na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA noong July 23.

Read more...