NutriAsia, sinisi ang mga nagpoprotestang mga manggawa sa naganap na gulo

Courtesy of Anakbayan

Sinisi ng NutriAsia, Inc. (NAI) ang mga nagpoprotestang mga mangagawa na umanoy nasa likod ng marahas na dispersal sa planta nito sa Bulacan na siyang ikinasugat ng ilan at pagkaaresto.

Naganap ang kaguluhan sa isinasagawang mediation sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasama ang mgastakeholders at union organizer ayon sa NAI.

Sa inalabas na pahayag ng NAI, nagsimula umano ang kaguluhan ng may magpaputok ng baril sa ere at manghagis ng bato sa mga pulis at mga gwardiya mula sa hanay ng mga empleyado ng processing company B-Mirk Enterprises na siyang toll packer ng NAI.

Ayon sa NAI ang naging kaguluhan ng mga nagpoprotesta ay labag sa writ of preliminary injunction na inisyu ng Regional Trial Court sa Malolos City, Bulacan noong July 26, 2018.

Iginiit din ng NAI na gumamit ng mga bata at mga matatanda ang mga nagpoprotesta bilang frontliners at human shield para harangin ang daanan sa planta.

Nagsimula ang pagprotesta ng mga mangagawa noong June 2 kung saan kanilang pinanawagan na kilalanin nito ang unyon ng mga mangagawa, pagregular sa mga empleyado at pag-hire uli sa mga ilegal na tinanggal sa trabaho.

Ang NutriAsia ang manufacturer ng mga produktong UFC Ketchup, Mang Tomas All-Purpose Sauce at ng Datu Puti suka at toyo.

Read more...