Season 3 ng Stranger Things sa 2019 pa ipapalabas

Ipalalabas ang Season 3 ng Netflix series na “Stranger Things” sa darating pang summer 2019.

Dahil dito ay maghihintay pa ang fans ng sikat na TV series hanggang sa susunod na taon para malaman ang susunod na kabanata.

Ayon kay Netflix Vice President of Original Programming, Cindy Holland, gusto ng creators ng show na lubusin ang oras para makabuo ng mas magandang resulta para sa show.

Aniya gusto ng Duffer brothers at Shawn Levy na mahigitan ang mga nagawa nila noong dalawang naunang season.

Unang naipalabas ng Netflix noong July 2016 at sinundan ng Season 2 noong October 2017.

Read more...