Makabayan bloc, sumapi na sa Liberal Party bloc upang maging minority ng Kamara

Kuha ni Ruel Perez

Nakipagsanib puwersa na ang Makabayan bloc sa Minority bloc na binuo ng Liberal Party.

Matapos ang pag-uusap sumapi ang pitong miyembro ng Makabayan bloc sa labindalang miyembro ng Liberal Party.

Sa liham na ipinadala ni Marikina Rep. Miro Quimbo na tumatayong lider ng minority bloc ng LP kay Speaker GMA kasama na ng mga ito sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at France Castro, Gabriela Reps. Emmi De Jesus at Arlene Brosas, Anakpawis Rep. Ariel Casilao at Kabataan Rep. Sarah Elago.

Kabilang din sa nabuong koalisyon sina Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano at Akbayan Rep. Tom Villarin.

Dahil dito umakyat na sa 22 ang bilang ng nasa kampo nina Quimbo.

Read more...