Terminal Rationalization Program sa NAIA hindi na itutuloy

Ipinagpaliban na ng Department of Transporation-Manila International Airport Authority o DOTr-MIAA ang airline reshuffle o transfer sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Matatandaan na ang tinatawang na Terminal Rationalization Program ay isinusulong ng napatalsik na House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa naunang plano, dapat ay ipatutupad ito sa katapusan ng Agosto 2018.

Subalit sa inilabas na statement ng DOTR-MIAA, hindi na tuloy na terminal transfer na taliwas sa lumabas sa social media na maisasakatuparan ito.

Nagsimula na anila ang pakikipag-usap sa ibang airline operators at may nagpasabi na ng pagsang-ayon sa programa pero ang mga opsyon ay kailangan pa raw ng pag-aaral.

Dagdag ng ahensya, may mga lumabas din na “unforeseen operational constraints” na nangangailangan ng mas mahabang panahon upang maresolba.

Kaya sulat na may petsang June 5, 2018 ay pormal na hiniling ng MIAA sa Chairman ng House Committee on Transportation na i-defer na ang programa.

Dahil dito, wala nang magaganap na transfer of airlines hanggang sa susunod na abiso, ayon sa DOTr-MIAA.

Pinayuhan naman ni MIAA General Manager Ed Monreal ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa nila online at berepikahin muna ang impormasyon bago i-post o ikalat.

Dagdag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, maglalabas sila ang anunsyo sa oras na maplantsa na ang plano at naresolba na ang mga isyu.

Read more...