Epektibo bukas (July 31) ng alas-sais ng umaga, ang Flying V, Pilipinas Shell at SeaOil ay magtataas ng P1.15 sa kada litro ng gasolina; 95 centavos sa bawat litro ng diesel at 85 centavos sa kada litro ng kerosene.
Ang PTT Philippine, Phoenix Petroleum at Total ay may price increase din na P1.15 sa kada litro ng gasolina habang 95 centavos sa bawat litro ng diesel samantalang walang pagbabago sa presyo ng kerosene o gaas na ipatutupad din bukas, alas-sais ng umaga.
Ang panibagong price adjustments sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa halaga ng krudo sa international petroleum market.
Mula nong Enero 2018, pumalo na sa P8.27 ang itinaas sa halaga ng bawat litro ng gasolina; P8.25 sa kada litro ng diesel at P7.81 sa bawat litro ng kerosene.