Paalala ng DFA, ang anumang uri ng mapanlinlang na aktibidad ay may katapat na parusa, alinsunod sa batas.
Ang mga lalabag din ay mahahadalangan nang makapag-apply ng pasaporte.
Ang pahayag ng DFA ay kasunod ng isang insidente sa social media, kung saan isang netizen ang nagpost ng “Passport appointment, PM lang.”
Agad na tumugon dito ang DFA ay binantaan ang naturang netizen na irereport ito sa kaukulang otoridad upang maparusahan dahil sa ilegal na gawain.
Umani ng batikos ang DFA dahil sa pahirapang passport online application.
Pero sinabi ng ahensya na ginagawa nila ang lahatng paraan upang makapagbigay ng slots sa mga kukuha ng pasaporte.
Bukod sa online, nag-iikot na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa ang kanilang “Passports on Wheels.”