Ito’y kaugnay sa warrant of arrest laban kina National Anti-Poverty Commission o NAPC Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, at dating Congressmen Satur Ocampo at Teddy Casiño.
Nahaharap ang apat na mga dating mambabatas sa kasong murder dahil sa pagkamatay ng mga kritiko ng Bayan Muna sa Nueva Ecija noong 2006.
Pinaaaresto sina Maza, Mariano, Ocampo at Casiño, base sa inilabas na arrest warrant ni Judge Evelyn Turla ng Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 40.
Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN, ang MR ay inihain ngayong araw (July 30) sa Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court.
Itinakda naman ang pagdinig sa darating na Biyernes (August 3).
Tiwala naman si dating Bayanmuna Partylist Rep. Neri Colmenares na maaabswelto ang apat na lider ng Makabayan dahil walang basehan ang kaso.
Bagama’t nasorpresa sila dahil buhay pa ang kaso na isinampa noong pang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, sinabi ni Colmenares na haharapin daw ng kanyang mga kasamahan ang asunto.