Honesty bus, bumabiyahe na

Bumabyahe na sa rutang Quiapo-Lawton-Taytay ang isang bus kung saan ang katapatan lamang ng pasahero ang iiral.

Tinatawag itong ‘honesty bus’ dahil wala itong konduktor na maniningil at nakadepende ang pamasaheng ibabayad sa katapatan ng mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng bus company na G-Liner, tiwala lamang ang kanilang paiiralin rito.

Mayroong inilagay na ‘fare box’ sa loob ng bus kung saan ihuhulog ang pamasahe.

Mayroon ding ‘fare guide’ para malaman ng mga pasahero kung magkano ang kanilang ibabayad.

Gayunman, kailangang eksaktong pamasahe lamang ang ihulog ng mga pasahero dahil walang magsusukli sa mga ito.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang naturang unit ng bus na posible pa umanong madagdagan ayon sa operator nito.

Read more...