Siniguro ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tutulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisilbi sa mga arrest warrants na inilabas ng korte laban sa mga dating mambabatas ng Makabayan Bloc.
Ayon kay Sec. Guevarra, bilang isang law enforcement agency, tutulong ang NBI sa pagsisilbi sa warrant at hindi na kinakailangan pa na maglabas ng hiwalay na utos ang kagawaran para sa ahensya.
Dahil dito ay obligado ang NBO na arestuhin ang sinumang inaakusahan saan man ito matagpuan ayon sa kalihim.
Matatandaang nagbaba ng arrest warrants si Judge Evelyn Atienza-Turla ng Nueva Ecija Palayan City Regional Trial Court (RTC) Branch 40 laban kina dating Bayan Muna representatives Satur Ocampo at Teddy Casino, Anakpawis Rep. Rafael Mariano at Liza Maza ng Gabriela dahil sa kasong murder.