China nagbigay ng apat na patrol boats sa Philippine Navy

Bilang pagtulong sa modernization efforts ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagbigay ng apat na patrol boats ang China sa Philippine Navy (PN).

Ayon kay Philippine Navy spokesman Commodore Jonathan Zata, ang donasyon ay dumating sa ikatlong linggo ng Hulyo kasama ang 30 units ng Rocker Propelled Grenade (RPG) Launcher at mga bala.

Kasalukuyan na anyang sumasailalim sa assessment ang mga bagong kagamitan kung paano ito magagamit ng organisasyon at masusuportahan sa mahabang panahon.

Nagtalaga na rin ng mga personnel para sa operasyon at pagmimintena ng mga bagong gamit.

Nilinaw naman ni Department of National Defense (DND) spokesman Arsenio Andolong na ang mga kagamitan ay bahagi ng $14 million grant ng China sa Pilipinas.

Patunay lamang anya ito ng mas gumagandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Read more...