Hiniling ng lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanilang mga taga-suporta ang pagkakaisa bagaman pirmado na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa isang public consultation sa Camp Darapanan sa Maguindanao, sinabi ni MILF chairman Murad Ebrahim na hindi pa natatapos ang paghihirap ng mga Moro bagaman naipasa na ang BOL.
Ani Ebrahim, mahaharap ang MILF sa isang malaking pagsubok — ang responsibilidad ng pamumuno kasabay ng pagta-transition nito patungong isang revolutionary organization.
Ang MILF kasi ang mamumuno sa interim government na tatawaging Bangsamoro Transition Authority hanggang 2022.
MOST READ
LATEST STORIES