Ayon kay Bob Arum, promoter ni Pacquiao, posibleng sa April 2016 o isang buwan bago ang May 9 Philippine Elections maganap ang huling boxing match ng tinaguriang Pambansang Kamao.
Ani Arum, sinabi sa kanya ni Pacquiao na kung manalo itong senador ay hindi na Ito sasabak sa ring.
Hindi na rin daw liliban sa sesyon si Pacquiao bilang mambabatas kung mananalo sa halalan ani Arum.
Wala pang katiyakan kung sino ang makakalaban ni Pacquiao sa kanyang huling boxing match.
Gayunman, kabilang sa mga posibleng makalaban ni Pacquiao ayon kay Arum ay sina Terrence Crawford, Amir Khan at Timothy Bradley.
Kung si Arum ang masusunod, mas gusto niya na si Juan Manuel Marquez ang maging huling kalaban ni Pacquiao./Isa Umali