Binasag ng noon-time show na Eat Bulaga ang naitala ng Twitter record ng 2014 FIFA World Cup Semi-Final Match sa pagitan ng Germany at Brazil.
Bago mag hatinggabi ng October 24 ang hashtag na #ALDubEBTamangPanahon ay nakapagtala ng 39 million tweets na tumalo sa 35.6 million tweets ng FIFA noong nakalipas na taon.
Ang ‘Tamang Panahon Charity Concert’ ng Eat Bulaga ay gumawa din ng kasaysayan nang mapuno nito ang 55,000 seater ng Philippine Arena.
Highlight ng concert ang Kalye Serye loveteam nina Alden Ruchards at Maine “YayaDub”Mendoza at ang mga lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola) Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros). Tampok din ang main hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Umabot naman sa P14M ang nalikom ng Eat Bulaga na sa ticket sales na gagamitin sa library project na itatayo sa iba’t ibang mga paaralan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Nagpasalamat ng husto sina Alden at Maine sa milyun-milyong tumangkilik sa kanila at nangako sa fans na hindi sila magbabago./Isa Umali