WACKYLEAKS ni Den Macaranas

den macaranasGustong magsiguro ng isang sikat na personality na mananalo sya sa susunod na eleksyon kaya imbes na senador ay pagka-gobernador na lang sa kanilang lalawigan ang target nya para sa 2016 elections.

Noong nakalipas na linggo ay ipinatawag ng sikat na personalidad na ito ang lahat ng mga Mayors sa kanilang probinsya para personal niyang makilala.

Halos 80-percent ng mga alkalde sa naturang lalawigan ay present sa kanilang munting salo-salo na sinamahan din ng konting “gift giving”.

Bukod sa cash ay namigay din si Mr. Personality ng mga biblia para sa mga bagong niyang friends na Mayor.

Hindi naman masyadong napag-usapan ang pulitika dahil pinakikiramdaman pa ng ating bida kung paano nya makukuha ang full support ng kanyang mga bagong friends kung sakaling magdeklara na sya ng kanyang kandidatura bilang gobernador.

Eh bakit ba nagbago ng political plan ang personality na ito? May sagot ang ating Cricket.

Una, bagama’t llamado sa mga surveys ay pakiramdam daw nya na madedehado sa eleksyon ang kanyang sinusuportahang “Presidentiable” dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersiya na kinasasangkutan nito.

Pangalawa, malamang daw ay gawin lang siyang gatasan ng ilang mga pulitiko oras na tumakbo sya sa mas mataas na pwesto.

Pangatlo, ang request ng kanyang misis ay manatili na lang sya sa lalawigan dahil anytime ay baka magretiro na rin si Mr. Personality ang sports na nagpayaman sa kanila.

Ayon sa ating Cricket, masaya ang ating bida na maraming taong kasama kaya siya pumalaot sa pulitika bukod pa sa tunay naman na madali itong lapitan ng mga nangangailangan.

Gustong-gusto nya na siya’y pinapalakpakan kaya naman halos lahat ng papel sa mundong ibabaw ay gusto niyang gampanan.

Makulay ang buhay ng ating bida na ilang beses na ring isina-pelikula pero may mga bagay pa raw siyang gustong gawin at kabilang dito ang pagiging political kingpin.

Ang personalidad na nagdadalawang-isip kung senador ba o pagiging gobernador ang tatakbuhang posisyon sa 2016 ay si Mr. P….as in Pakwan

Read more...