Si Senator Grace Poe din ang nanguna sa latest survey result ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong June 5 hanggang 8, 2015.
Ayon sa SWS, 42% ang nakuhang rating ni Poe, kumpara sa 34% lamang na nakuha ni Binay. Patuloy ang naging pagtaas ng rating ni Poe mula sa sa 31% at 21% na nakuha nito noong March 2015 at December 2014.
Habang si Binay naman ay consistent ang pagbaba ng rating mula sa 37% noong December 2014 at 36% noong March 2015.
Pero kung sa Pulse Asia Survey ay pang-apat si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas, nasa ikatlo itong pwesto sa SWS survey sa rating na 21%. Mas mataas ito sa 15% lamang na rating na nakuha ni Roxas noong March 2015.
Nasa ika-apat na pwesto naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mayroong 20% na mataas din kumpara sa 5% lamang na nakuha niya noong December 2014.
Sa nasabing survey, nasa pang-limang pwesto si Manila Joseph Estrada sa rating na 7%, mas mababa naman ito sa 11% rating ni Estrada noong March 2015. Kapantay ni Estrada sa 7% rating si dating Senador Panfilo Lacson, habang si Senator Chiz Escudero at Senator Miriam Defensor – Santiago ay kapwa mayroong 4 %; si Senator Bongbong Marcos ay 3% at si Senator Alan Cayetano ay 2%.
Face-to-face ang ginawang interview ng SWS sa nasabing survey sa 1,200 respondents kung saan hiningan nila ng tatlong pangalan ang mga ito ng kung sino ang sa tingin nila ang maaring pumalit kay Pangulong Aquino sa pwesto./ Dona Dominguez-Cargullo