BOL, iba sa gobyerno sa ARMM – BTC chair

Inquirer file photo

Iba ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang naging pagtitiyak ni Bangsamoro Transition Commission (BTC) chairman at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice chairman for Political Affairs Ghadzalia Jaafar sa taong bayan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Jaafar na isang gobyernong matino ang BOL.

Gayunman, hindi na matukoy ni Jaafar kung paano masisiguro sa taong bayan na kakaiba ang BOL sa ARMM.

Hindi kasi aniya isang materyal na bagay ang BOL na kinakailangan na ipakita ang ebidensya sa publiko.

Wala aniyang ebidensya ang kanilang hanay pero sapat na ang kanilang pagtitiyak na ang gobyerno sa BOL ay kakaiba sa gobyerno sa ARMM.

Kasabay nito, sinabi ni Jaafar na may itinakda nang petsa ang Malakanyang para sa ceremonial signing ng BOL.

Read more...