Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Deputy Speaker Rolando Andaya na hindi naman sa walang kakayahan ang isang chairman kundi naging tradisyon na ang pagkakaroon ng rigodon tuwing mayroong bagong lider sa Kamara lalo na ang mga hindi bumoto sa bagong lider.
Ayon kay Andaya, hindi na dapat na hintayin ng mga committee chairman na alisin pa sila sa puwesto kundi magkusa na lamang lalo na at si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ang bagong lider ng Kamara.
Sinabi pa ni Andaya na hindi lang committee chairmanship ang mapapalitan sa Kamara kundi maging ang secretary general at sergeant-at-arms sa Kamara.
MOST READ
LATEST STORIES