Belingon, hinirang bilang bagong ONE interim batamweight champion

Inquirer.net photo

Hinirang si Pinoy MMA fighter Kevin Belingon bilang bagong ONE interim bantamweight champion kontra kay Martin Nguyen sa kanilang “One Reign of Kings” match sa Mall of Asia Arena.

Nagbato ng malalakas na pagsuntok, sipa sa ulo at katawan si Belingon laban kay Nguyen.

Tinangka ni Nguyen na maging tugma kay Belingon sa pakikipaglaban ngunit nabigo ito sa loob ng limang round.

Ayon kay 30-anyos na MMA fighter, pinaghandaan niya ang laban at alam niya ang plano ni Nguyen kaya hindi na umano siya nagpatalo rito.

Dagdag pa niya, pinapanood niya ang mga nakaraang laban ni Nguyen at sa tingin niya ay kulang sa bilis ang naturang kalaban.

Read more...