Kris Aquino, nagkaroon ng anaphylactic reaction

Nagkaroon ng anaphylactic reaction si Queen of All Media Kris Aquino sa kasagsagan ng shooting sa Indonesia.

Ang anaphylactic reaction ay isang allergic reaction kung saan nararanasan ang pagkahilo, pagkawala ng malay, hirap sa paghinga, mababang blood pressure na kung minsan ay nauuwi sa heart failure at kamatayan.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post ng larawan si Kris kung saan makikita ang pagsuri sa kaniya ng medical team kasama ang anak na si Joshua.

Agad lumipad pabalik ng Pilipinas si Kris para sa kaniyang paggagamot.

Inabisuhan si Kris ng limang araw na pahinga bago bumalik sa pagtatrabaho.

Samantala, bumuhos naman ang get well messages ng mga tagasuporta para kay Kris.

Read more...