4 drug suspects, huli sa anti-drug ops sa Maynila

Inquirer file photo

Timbog ang apat na durg suspect sa ikinasang anti-drug operation sa Sta. Cruz, Manila Linggo ng madaling-araw.

Nakilala ang mga drug suspect na sina Jonathan Velasquez alyas “Butchoy,” Brian Lunar alyas “Mata,” Federico Deguia alyas “Boy” at Christina Deguia alyas “Bebeng.”

Ayon sa Manila Police District (MPD), nahuli ang mga drug suspect sa bahagi ng Sulu Street, Barangay 341, Zone 34 dakong 1:45 ng madaling-araw.

Nakuha sa mga ito ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, tatlong piraso ng P1 coin na ginagamit sa pagsusugal at P500 bill.

Mahaharap ang mga drug suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...