Halos 300 katao, nahuling lumabag sa local ordinances sa Maynila

Nahuli ang halos 300 katao dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa lungsod ng Maynila.

Sa tala ng Manila Police District (MPD), umabot sa 262 na indibidwal ang naaresto mula 5:00 umaga ng July 28 hanggang 5:00 ng umaga ng July 29, 2018.

Sa naturang bilang, 31 sa mga ito ay nahuling umiinom sa mga pampulikong lugar, 71 ang naninigarilyo at walong menor de edad ang lumabag sa curfew hours.

Maliban dito, 87 katao naman ang nahuling walang suot pang-itaas habang 65 ang nahuling lumabag sa iba pang ordinansa.

Sinabi ng MPD na patuloy ang pagpapaigting ng kanilang Anti-Criminality Operations para mapanatiling ligtas ang pamumuhay sa naturang lungsod.

Read more...