Kinansela ang higit 200 flights sa Munich airport sa Muchen, Germany.
Ayon sa pulisya, ito ay matapos makapasok ang isang hindi pa nakilalang indibidwal sa secured area ng Terminal 2 nang hindi nasisiyasat ng mga airport personnel.
Dagdag pa ng pulisya, bigla na lang nawala ang naturang babae at hindi na natagpuan sa kabila ng mahigpit na paghahanap ng mga otoridad.
Dahil dito, agad inilikas ang 7,000 katao sa naturang paliparan.
Maliban sa mga kanseladong flights, umabot ng 60 flights naman ang na-delay bunsod ng insidente.
MOST READ
LATEST STORIES