Kaya naman, Isang linggo matapos ang SONA, wala pa ring opisyal na pagpapalit sa “majority floor leader, minority floor leader at sa mga “72 committee chairmanships” dahil ang nangyari ay isang “extraordinary event”. Ibig sabihin, “status quo” ang ibang mga posisyon.
Kung susuriin, ang dapat talaga ay nagkaroon ng “smooth transition” ang dalawang panig dito, pero paano magagawa iyon kung trayduran ang nangyaring kudeta? Masakit sa mga nawalan ng pwesto ang nangyari. Isipin niyo naman, 2019 proposed national budget ang pag-uusapan at tiyak na maraming “palamang project” sina Alvarez at mga kapanalig diyan. Intindihin din natin na may halalan sa Mayo 2019, kayat maraming proyekto sa loob ng budget ang kasama sa ipapangako sa darating na mga kampanya. Tapos biglang mawawala.
Dapat ideklara ni SGMA na bakanteng lahat ng posisyon sa Kamara para magkaroon ng “fresh start”, pero magkakaisa ba silang lahat? Hindi kaya posibleng maparalisa lalo ang kanilang operasyon dahil uupakan sila ng uupakan nina Alvarez at Fariñas? Kapag dahan-dahan naman ang pagpapalit sa mga lider ng Kongreso, babagal din ang kanilang trabaho at manganganib ang “legislative agenda” ng Duterte administration.
Idagdag pa rito ang kasalukuyang problema ng “ruling party” na PDP-laban na ngayo’y nagkakaroon ng “leadership crisis” matapos patalsikin ng isang paksyon sina Senator Koko Pimentel at Ex Speaker Alvarez. Anong partido na ngayon ang dominante sa Kongreso, PDP –LABAN pa rin? HUGPONG ng PAGBABAGO (HNP) ni Inday Sara? Lakas? Tandaan natin na sa Oktubre 1, o dalawang buwan mula ngayon ay pormal na silang magsusumite ng “certificates of candidacy” para sa May 2019 elections.
Pero, ang mas mabigat na problema ng bansa rito ay ang trabaho na aprubahan ang panukalang P3.757-T budget para sa 2019. Noong nakaraang taon, July 24 isinumite ang 2018 budget at naratipikahan ng December 19 sa panahong walang problema ang Senado at Kamara.
Pero, ngayon, may malaking problema dahil partido at liderato ng Kamara ang mga isyu.
Sa totoo lang, magaling na bastonera itong si SGMA at naniniwala akong malalampasan niya ang krisis na ito with “flying colors”. Last term na siya at hindi siya kandidato sa May 2019 elections. Tinawag din niyang “black propaganda” ang balitang interesado siya sa posisyon na Prime minister”. Ang ingatan lamang niya ay ang pagpili sa mga lider ng mga sensitibong committes. Alam naman natin na “corruption” ang pangunahing mandato ng Duterte administration. Nakita na natin ang “corrupt na Kongreso” noong siya’y Presidente, sana naman ngayong “House Speaker” na siya ay magbago siya ng sistema at gawing malinis na ang Kamara.
Nakakangiti lang isipin ang nagdudumilat na katotohanan. Duterte sa Malakanyang, Tito Sotto sa Senado at Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara.