Metro Manila at ilang mga lalawigan, uulanin ngayong araw

Makararanas pa rin ng kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, CALABARZON, Gitnang Luzon, Mindoro at Palawan ngayong araw.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA sinabi nito na ito ay bunsod pa rin ng epekto ng hanging Habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon.

Pinag-iingat pa rin ng weather bureau ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang natitirang bahagi naman ng Luzon, buong Visayas at Mindanao ay maaliwalas ang panahon na uulanin lamang bunsod ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning saan mang baybayin ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.

Samantala, isang cloud cluster o kaulapan ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na kasalukuyang binabantayan ng PAGASA ngunit sa ngayon ay wala pa namang direktang epekto sa bansa.

Read more...