La Union at Davao Occidental niyanig ng lindol

Naitala ang magkahiwalay na pagyanig sa mga lalawigan ng La Union at Davao Occidental Linggo ng madaling araw.

Alas-1:56 kanina nang yanigin ng magnitude 3.7 na lindol ang Davao Occidental.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 53 kilometro Kanluran ng Sarangani.

May lalim itong 29 kilometro.

Alas-3:07 naman ng maitala ang magnitude 3.3 na lindol sa La Union.

Naitala ang episentro nito sa layong apat na kilometro Kanluran ng bayan Bauang.

May lalim itong 66 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang mga pinsala sa ari-arian at mga aftershocks.

Read more...