Ayon sa industry sources, aabot sa P1.00 hanggang P1.50 ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa P.90 hanggang P1.00 ang itataas ng kada litro ng diesel.
Habang ang kerosene o gaas ay magtataas din ng P0.70 hanggang P0.80 sa kada litro.
Ang malaking tantya sa itataas ng gasoline ay bunsod ng posibilidad na idagdag ang huling bugso ng pagtaas sa presyo ng ethanol, na isa sa mga sangkap ng gasolina sa Pilipinas.
Inaasahang sa Martes, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang panibagong oil price hike.
MOST READ
LATEST STORIES