Ang warrant of arrest ay inisyu laban sa mga dating kongresista na sina Satur Ocampo at Teddy CasiƱo ng Bayan Muna; National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza ng Gabriela, at dating Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ng Anakpawis.
Ito ay may kaugnayan sa kasong murder na kanilang kinakaharap noong pang taong 2004.
Sa isang panayam sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, sinabi ni Albayalde na mas mabuting sumuko na lamang ang mga dating mambabatas.
Hindi pa anya natatanggap ng pulisya ang kopya ng mga arrest warrants ngunit sakali ay wala silang ibang magagawa kundi ipatupad ito.
Inilabas ni Judge Evelyn Turla ng Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 40 ang arrest warrants laban sa apat dahil sa pagkamatay nina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong pang 2001 at 2004.
Noon pa man ay mariin nang itinatanggi ng mga dating mambabatas ang akusasyon.