Expanded SRP ipatutupad na sa Miyerkules

INQUIRER file photo

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry na ipatutupad na simula Miyerkules ang expanded suggested retail price (SRP) sa mga prime commodities and basic commodities (BNPC).

Ayon kay Trade and Industry Usec. Ruth Castelo, isinali ang ilang premium brands sa panibagong SRP upang malaman ng mga konsyumer na mayroon pang ibang brand ang nage-exist.

Bunsod nito ay mas marami na silang produktong pwedeng pamilian.

Inihalimbawa ng opisyal ang sardinas na dati ang may SRP lamang ay pitong brands gayong mayroong 40 brands para sa nasabing produkto.

Kabilang sa expanded SRP ay ang premium brands ng mga sardinas, meat loaf, kape, evaporated at condensed milk maging ang kandila.

Nilinaw naman ni Castelo na ang SRP ay hindi nangangahulugang kinontrol ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Isa lamang anya itong price guide para malaman ng isang mamimili kung makatwiran ang presyo ng kanyang bibilhin.

Read more...