P1.2M halaga ng marijuana, nasamsam sa Kalinga

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlo katao ang mga pinatuyong tangkay ng marijuana na may bigat na 10 kilo sa isang police checkpoint sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Sakay ng isang Toyota Vios ay pinahinto sina Eric Hans Fadino, Jaryd Lumawig at Nelson Porugal II na pawang mga residente ng Quezon City.

Tinatayang nasa P1.2 milyon ang halaga ng nakumpiskang marijuana mula sa tatlo.

Noong Lunes ay apat ding turista ang nakuhaan ng pinatuyong marijuana sa Bontoc, Mountain Province.

Ayon sa apat, galing ang mga marijuana sa Tinglayan, Kalinga.

Read more...