May posibilidad na umabot sa Metro Manila ang haze na dulot ng makapal na forest fire sa Indonesia.
Ang haze mula sa Indonesia ay umabot na ngayon sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao at maging sa ilang bahagi ng Palawan.
Una itong naramdaman sa Cotabato City at Cebu City.
Pero ayon sa PAGASA, hindi magiging matindi ang epekto ng haze sa Metro Manila. Ang madalas na pag-ulan ayon sa weather bureau ay naka tutulong para pigilan ang pagkalat ng dirt particles at usok sa kalangitan.
Ayon sa PAGASA, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng region-wide haze sa Asya.
Ang “very strong El Niño”noong 1997 hanggang 1998 ay nagkaroon din ng forest fire sa Indonesia na nagdulot ng haze na umabot sa mga kalapit nitong bansa kasama na ang Pilipinas at Malaysia./Isa Umali