Pinuri ng United Nations ang pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ipinahayag ni UN Secretary General Antonio Gutteres na welcome ang ratipikasyon sa BOL na isa aniyang “landmark achievement” tungo sa kapayapaan sa Mindanao.
Dagdag ni Guterres, susuportahan ng UN ang Pilipinas sa pagpapatupad ng BOL at ang Bangsamoro Transition Authority para sa pagsulong ng kapayapaan, malayang pamamahala at karapatang pantao.
Ito ay ilan sa mga pagkakataon na inayunan ng U.N ang polisiya ng kasalukuyang administrasyon.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL noong Huwebes.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ng pangulo na umaasa siya na ang BOL ang tutuldok sa matagal nang kaguluhan at kahirapan sa Mindanao region.
Hinikayat rin ng pangulo ang iba’t ibang mga grupo sa Muslim Mindanao na suportahan ang BOL.