Umabot sa mahigit P440 Million ang nasira sa agrikultura ng Pangasinan bunsod ng mga sunud-sunod na pag-ulan sa lugar.
Ayon sa Department of Agriculture, pinaka-grabeng nasalanta ang mga pananim na palay kung saan P420 Million ang nasira sa 29,000 ektarya.
Sa mga gulay naman, nasira ang P24.3 Million na halaga ng pananim.
Napinsala naman ang P3.61 Million ng livestocks o mga hayop, habang P230,000 naman ang halaga ng napinsala sa mga palaisdaan.
Kasunod nito ay sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na naglalatag ng P180 Million ang kagawaran para sa rehabilitasyon ng mga binahang taniman sa Pangasinan.
MOST READ
LATEST STORIES