Muling nagkita sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Allan Peter Cayetano para pag-usapan ang posibilidad na tumakbong magkasama para sa 2016 Elections.
Sa Hotel Elena nagkita ang dalawa nitong Biyernes.
Bukod pa rito ang pag-anyaya ni Duterte kay Cayetano bilang panauhin sa kanyang TV program sa local ABS-CBN sa Davao City. Sa naturang programa, tinalakay ng dalawa ang federalismo at ang problema ng peace and order sa bansa.
Ayon kay Cayetano, hanggat may nanghihikayat kay Duterte na tumakbong pangulo ay bukas ang posibilidad na matuloy ito.”Hanggat may clamor, may pag-asang tumakbong pangulo si Mayor Duterte,” ani Cayetano.
Maging si Duterte ay nagpahiwatig ng pagbabago ng kanyang pasya. Sinabi ng alkalde na kung iyon ang magiging pasya ng kanyang partido, ang PDP-Laban ay susunod siya, Si Martin Dino ang naghain ng kandidatura bilang pangulo sa ilalim ng PDP-Laban.
Kung magbabago ang pasya ni Duterte at ng PDP-Laban, hanggang December 10 na lang ang substitution ng kandidato batay sa Comelec rules and regulations./Gina Salcedo