Mag-boyfriend natagpuang tadtad ng bala sa Cebu

Iniuugnay sa iligal na droga ang pagkamatay ng isang menor-de-edad na babae at boyfriend nito sa bayan ng Liloan, Cebu.

Sa panayam ng media kay Chief Supt. Debold Menoris Sinas, director ng Police Regional Office (PRO) 7, hindi malayong ang isang drug syndicate ang pumatay sa magkasintahang sina Alyas Jamie, 16-anyos at sa 27-anyos na boyfriend nitong si Stephen Del Corro.

Ang bangkay nina Jamie at Del Corro na kapwa may tama ng bala ng baril ay natagpuan sa magkahilay na lugar sa Barangay San Roque sa bayan ng Liloan noong Martes, July 24.

Si Jamie ay may dalawang tama ng bala sa ulo at si Del Corro ay tinadtad naman ng bala sa katawan.

Sa paunang imbestigasyon, dalawang motibo ang tinutukan ng pulisya gaya ng “lover’s quarrel” at ang posibilidad na pagkakasangkot ni Del Corro sa isang fraternity.

Pero iginiit ni Sinas na inalis na nila ang dalawang motibong ito at tinutukan ang pagkakasangkot ng isang drug syndicate sa nasabing krimen.

Nilinaw naman ng pulisya na wala sa drug watchlist ang magkasintahan.

Read more...