Pangulong Duterte, may banta sa buhay

Courtesy of PCOO

Mayroong natanggap na death threats si Pangulong Rodrigo Duterte habang patungo itong Zamboanga City noong Huwebes para bisitahin ang mga biktima ng sunog.

Ang impormasyong ito ay kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Ayon sa kalihim, natanggap ng pangulo ang banta habang sila ay nasa biyahe sakay ng helicopter.

Gayunman, sinabi ni Go na handa rin naman umano ito at hindi takot na mamatay.

Nang tanungin kung kanino posibleng galing ang mga banta, sinabi ng opisyal na maaaring gawa ito ng mga indibidwal na may ayaw sa presidente.

Iginiit din ni Go na hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng death threat si Duterte.

Parati anyang sinasabi ng pangulo ang linyang ‘kung panahon ko na, panahon ko na’.

Noong Huwebes ay dumalo pa si Pangulong Duterte sa 69th araw ng Ipil sa Zamboanga Sibugay bago magbigay ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Zamboanga City.

Binisita rin nito kasama si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital.

Read more...