Sa BRICs summit sa Johannesburg, sinabi ni Putin na handa siyang makipag-pulong kay Trump.
Ayon naman kay White House press secretary Sarah Sanders, bukas si Trump sa pagbisita sa Moscow, ngunit wala pa raw pormal na imbitasyon mula sa Russian counterpart.
Ang pahayag ni Putin ay kasunod ng imbitasyon ni Trump sa Russian President para sa magkaharap sila sa Washington ngayong taon, pero umurong ang U.S President at sinabing sa susunod na taon na mangyayari ang meeting.
Paliwanag ng White House, naniniwala raw kasi si Trump na makabubuting gawin ang bilateral meeting kay Putin kapag natapos na ang umano’y “Russia witch hunt.”
Samantala, pinuri ni Putin si Trump na aniya’y may “great virtue” para tuparin ang kanyang campaign promises.