Ngayong madaling araw ng Sabado, July 28 ay masasaksihan ng mga Filipino ang isang total lunar eclipse ayon sa PAGASA.
Sa pagkakataong ito ay magkukulay pula ang buwan kaya ito ay tinatawag ding ‘Blood Moon’.
Bukod sa Pilipinas, makikita rin ang eclipse sa Antarctica, Asia, Australasia, Russia bukod sa hilagang bahagi nito, Africa, Europa at Silangang bahagi ng South America.
Ito ang itinuturing na ‘longest lunar eclipse’ ng 21st century at tatagal ng isang oras at 43 minuto.
Sa Pilipinas ay makikita ang greatest eclipse mamayang alas-4:21 ng umaga.
Ayon sa weather bureau, hindi na kailangan ng mga tao ng proteksyon sa mata para masilayan ang eclipse dahil ligtas itong panoorin.
Gayunman, ibinabala ng PAGASA na maaaring makaapekto ang maulap na kalangitan upang hindi makita nang maayos ng mga Filipino ang pambihirang astronomical event.
Samantala, naglabas ang Philippine Astronomical Society (PAS) ng listahan ng mga lugar na pwedeng obserbahan nang pinakamaganda ang eclipse.
QUEZON CITY
Host: UP Astronomical Society
Venue: PAGASA Astronomical Observatory
QUEZON CITY
Host: Science Quest X PAS
Venue: Megatent parking lot, Libis
CAVITE
Host: Astronomy and Physics Society of St. Edward Integrated Shool
Venue: Backfield of SEIS- Imus Campus, Lancaster New City Cavite
TAGUIG
Host: Philippine Astronomical Society
Venue: The Nest Food and Lifestyle Park Taguig
CEBU
Host: IAU Astronomical Society
Venue: IAU Arena IAU Town Center kagudoy Rd. Basak Lapu Lapu City Cebu
Ang total lunar eclipse na ito ay pangalawa na ngayong taon matapos ang ‘super blue blood moon’ na nasaksihan din noong January 31.
Bukod sa lunar eclipse, lalapit din ang planetang Mars sa mundo sa pinakamalapit na distansya matapos ang huling pagkakataon noong 2003.