WATCH: Na-in love na kakampi sa online game, kalaboso sa cyber bullying

Hindi na napigilan ng mag-asawang Ian at Maria ang matinding galit at magkasunod nilang sinugod ang lalaking muntik sumira ng kanilang pamilya

Muling nakita ng mag-asawa ang 30-anyos na si Jeffrey Dizon nang iprisinta ito ni NCRPO Director Guillermo Eleazar dahil sa paglabag sa Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Nagkilala sina Maria at Dizon sa paglalaro ng popular na online game at kasunod nito ay nagkapalagayan na sila ng loob na lingid sa kaalaman ng kani-kanilang asawa.

Umusbong ang cyber love affair ng dalawa na nauwi na sa pagpapalitan nila ng malalaswang video at pictures sa pamamagitan ng Facebook.

Nabuko lang ang dalawa nang minsan sa pagtawag ni Dizon sa cellphone ni Maria ay ang mister nito ang nakasagot.

Hindi naman natiis ng mag asawa ang isat-isa at nagkasundo na alang-alang sa kanilang anak ay muli nilang bubuuin ang nagkalamat na tiwala sa isat-isa.

Ngunit nahulog na talaga ang loob ni Dizon kay Maria.

Pinagbantaan nito si Maria na ipo-post sa social media ang kanyang mga malalaswang video at pictures.

Dito nagkasundo na ang mag asawa na tuluyan nang putulin ang ugnayan sa kanila ni Dizon kaya’t mula sa Bacolod City ay lumuwas sila sa Maynila para ipaaresto ang suspek.

Sa pamamagitan ng entrapment operation, nahuli si dizon sa tapat ng isang hotel sa EDSA, Pasay City.

Hindi na bago ang mga ganitong kaso, kayat muling nagpa-alala si Eleazar sa mga naluluong sa online games at social media.

WATCH:

Read more...